WhAt A DaY.....!!!!!
Well, dumating si jojo sa bahay sa cubao at around mga 7 am, sobra, medyo kinakabahan ako kasi baka hindi maubos yung dala kong lugaw and spag. medyo kabado kung pano ko ididispatch yun...pero praise you God kasi naubos lahat! me gusto pang bumili kaya lang ubos na talaga e. I was so overwhelmed as in.
then si jojo naman e naghanap na agad ng bahay sa me mandaluyong.sobra, ang bait bait niya as in. napakaswerte ko talaga...then naghanap kami sa may bandang mandaluyong. sobrang pagod at gutom na kami...then pumunta na lang kami sa me centerpoint. wala naman kasi kaming nakita na matino sa me mandaluyong e. tapos bumili na lang kami ng kutsilyo sa me sm at ng adaptor ko.
kumain kami sa me ilocanas and hinatid niya ako till cubao. ang sarap ng feeling na alam mo na anjan palagi ang mahal mo...i am really blessed!
furthermore, binigay ko na pala ang resignation ko last monday, dec 6. iniwan ko lang sa me lamesa ng boss ko and deadma lang, bigla na lang pinirmahan. I know this is the best thing to do. Ive dreamed about this so many times before pero ngayon lang natupad and me blessing pa kasi me trabaho akong mas maganda pa. Salamat Panginoon sa lahat ng ito, though diko alam ang magiging kapalaran ko dito sa GLobe, alam ko naman na gagabayan mo ako dahil ikaw ang nagbigay nito sa akin, I will always take note that wherever this may take me...your hands is behind it. Lord, I trust you fully...please assist me and lead me the way.
kaninang umaga, nagdala ako ng sopas with egg at spaghetti, nakakatawa kasi andami na palang naghahanap sa akin bago ako dumating...dahil nga hinihintay yung dadalhin kong agahan, nahihiya nga ako dun sa isang nagdadala din - pero wala akong magagawa dahil kelangan kong kumita ng pera para sa future namin ng baby ko. Jojo is doing his part, kaya fair lang na gawin ko ang part ko. kung iisipin, wala pa sa katiting ng sinasakripisyo ni jojo ang ginagawa ko. Jojo will wake up at 6 am just to fix all the paninda and he will go to my place at cubao and then he will hatid me till office, then punta siya sa cooking lesson nya tapos maghahanap siya ng bahay for us, tuloy tuloy na yun hanggang 4:30 when he will fetch me and maghahanap ulit kami ng bahay, sobrang pasensyoso talaga niya. minsan mainit pa ang ulo ko considering nasa loob lang ako ng office na aircon samantalang siya nasa kalsada at naghahanap ng bahay. Lord, forgive me if sometimes unfair ako sa husband ko. kung diko narereciprocate ang mga sacrifices niya. I want to serve him coz it is my duty to serve my husband, pls help me to be obedient and humble in his eyes, i also want to be a good wife to him. salamat po. tomorrow, im wondering kung magtitinda ulit ako...galing kasi ako sa montalban e...bahala na po. continue to bless our business, amen.
No comments:
Post a Comment