Natutuwa ako kasi i finally had the time to post a blog ulit...grabe its been a busy week for me....bumalik ako sa aking kabataan...(hmmm...matagal tagal narin yun!) No i mean at least kahit papano ngayon nakakalabas labas nako sa lungga ko. I dont know, for the past 2 to 3 years...naging stagnant ang "social life" ko. Maybe masyado akong nagconcentrate sa mga "matters of the heart" (ano daw?!) Pero since naging buddies ko ang mga teeny boppers...nagkakulay ang buhay ko sa cvg...ahihihi...
...Ayun at recently rin nakabili nako ng digicam sa wakas, ayus! Imbes na maging maayos eh parang lagi akong busy sa pag uupload ng mga pics, ano beh! Parang everyday nalang excited ako umuwi kasi mag uupload ako ng pics from the office (tama ba naman yun?!) Nagagalit na nga sa akin ang jowakers ko kasi pag uwi ko matutulog ako ng 2 hrs then gigicing for lunch and mag uupload then matutulog na ulit...huwat! Gigicing ako sa gabi at papasok sa liyag kong CVG at magpipicturan kami ng mga kabercks ko...Ang mundo ko ay umiikot na lang sa aking pc at sa aking minamahal na digicam. It cant be!
Gusto ko naman bumili ng ipod. Teka bakit ako ganito, di naman ako masyado techy kaso naiimpluwensyahan ako ng mga young pipol na nakakasama ko. Lately, ang mga kinakanta ko ay "Beautiful Girls" ni Jojo na me suicide suicide pa (anobayan!)at "Stars are Blind" ni Paris Hilton (duh!) - Waaahhhh! Parang feeling ko 20-22 years old lang ako...di to dapat. dapat sila naiimpluwensyahan ko. Dapat matuto silang magkaroon ng interest sa craft like beading and cross stitching like what im doing. Magkakapera sila dun dahil pwede nilang ibenta. Dapat matuto sila sa akin at malaman nila ang mga priorities nila sa buhay. Ang mga gadgets na yan, di dapat masyado dinidibdib. Dapat iniinvest nyo ang inyong hard earned money sa makabuluhang bagay! Kaso gusto ko talaga ng ipod! si Gherj kasi eh!
Sige promise ko sa sarili ko dina ako magigigng ganito...bibili muna ako ng groceries sa bahay bago ako bumili ng kung anik anik...toyo suka lang naman pwede na diba?ililimit ko na rin ang aking exposure sa aking digicam at pc ng mga 2 hrs per day promise at ng marami naman akong magawa sa bahay...andami ko na palang kumot na di nalalabhan!
At sa mga teeny boppers, pasensya na. Di nyo na muna ako makakasama sa mga gimiks, lalabhan ko muna ang natambak kong labada. Pero bukas lang naman yun...pag natuyo na... laboy ulit tayo ha! c",)